Christmas in the Philippines


Paskong Pinoy ay itinuturing na may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na kadalasang nag-uumpisa sa mga buwan ng "-ber" [September, October, November, December]. Idinaraos ng mga Pilipino ang Kapaskuhan ng buong kasaganahan at punung-puno ng mayayamang tradisyon at kaugaliang katangi-tanging Pinoy.

Dahil ang Pilipinas lamang ang namumukod-tanging bansa sa Asya na may pinakamaraming bilang ng Kristiyano, ginugunita ng mga Pilipino ang kapanganakan ni Hesuskristo, ang Bugtong na Anak ng Diyos tuwing ika-25 ng Disyembre.

Ang pagdiwang ng Pasko sa Pilipinas ay pormal na nag-sisimula tuwing ika-16 ng Disyembre, ang unang araw sa siyam na araw ng Simbang Gabi. Ang selebrasyoon ay magtutuloy-tuloy hanggang sa unang Linggo ng Enero, ang Kapistahan ng Tatlong Hari, ang opisyal na pagtatapos ng Kapaskuhan.

Post a Comment

About This Blog

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP