Seacucumbercuisine at Sibale Island



The Correspondents Episode 38,  Balat ng Dagat

Animo’y mga “alien” sila sa ilalim ng dagat… Nakakatakot ang itsura… Malambot na tila may mga batik ng mata gaya ng pinya na kapag pinitas mo sa tubig, parang sasakmalin ang iyong mga kamay… Pero ang hindi natin alam, ang mga lamang-dagat na ito ay ang tinatawag na sea cucumber na pamoso kalimitan sa mga Chinese restaurant.

Seafood hotpot, Chinese mushroom with sea cucumber, sea cucumber with shrimp and sweet corn… ilan lamang ito sa mga pagkain masarap na sinahugan ng balat.

Isa ang Pilipinas sa mga main exporter ng sea cucumber sa China o Korea pero gaano ba ito kahirap kunin sa ilalim ng karagatan? May peligro din bang maubos ang mga ito sa mga susunod na panahon?
At magkano ang bentahan ng mga balat na ito sa pamilihan? Ayon sa mga taga-Sibale Island, ang pinakamurang presyo ng sea cucumber kada kilo sa Maynila ay 600 hundred pesos samantalang anim hanggang pitong libo naman ang pinakamahal.

Sinisid ni Dominic Almelor ang karagatan ng Sibale Island sa Romblon upang makita ang tinatawag na “balat” ng dagat. Silipin din natin ang mga tao sa likod ng industriya nito sa Pilipinas gaya ni Mang Adel na labinglimang taon na sa hanapbuhay ng pagbabalat.Source: ABS-CBN.com

Post a Comment

About This Blog

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP